Simula

taong 2000 ng malaman ko mula sa isang kaibigang nag ngangalang jessica isidro na may opening sa SYKES. Niyaya nya akong mag apply. Sumubok naman ako. D ko pa nga alam kung saan yung SMPC. Salamat na lang sa gwardiyang nagmagandang loob na ituro ang direkyson. Manong kung nasaan ka man, mabuhay ka! Gayon din sa yo Yca, pagpalain ka.

Natanggap ako malipas ng ilang interviews. D ko makakalimutan ang panel interview na yon, ang unang panel job interview ko. Kinbukasan non, job offer, mga 1 oras kong hinintay, pero oks lang. Kailangan ko ng trabaho e. Ganun yata talaga, kahit saan.

Sa loob ng apat na taon, nag account hopping ako. Ganda nga e, dami kong natutunan o nagpanggap lang akong natuto. parang nung college. May tungkol sa scanner, may tungkol sa programming, may tungkol sa ISP. Naalala ko ginawa pa kaming guinea pig para sa isang credit card company. Nag CI kami, dahil sa sobrang konti minsan walang calls sa account namin na yon. Pero cool, nakakatuwa.

Dami kong nakilala, yung iba hanggang ngaun d ko pa ren alam pangalan pero kung magkamustahan kami sa yosihan para kaming magkapamilya. Ang galing kasi sa call center, makakasalamuha mo talaga lahat ng uri ng nilalang. Astig may mga foreigner pa, mas astig don 10 times ang laki ng sahod nila sa yo. hehehe. Sa mga nakasama kong korean, japanese at chinese happy new year sa inyo. siguro umuwi na kau s mga bansa nyo. d ko na kasi makita sa outlook mga pangalan nyo e (nakakalungkot nga lang d nyo maiintindihan to, tagalog e). O baka naman bumili na kayo ng bagong pangalan? peace.

Katulad nga ng nasabi ko, ibang klase ang industriyang ito. Parang zoo. Masaya, maingay, matalinhaga at maraming wild. Kami yung mga hayup, tapos every now and then may mga turista, mamamasyal, magmamasid, ma a amaze. Minsan kulang na lang sabihn nila, “wow, aside from having the same features as humans, they can speak english too”. Kung binabasa mo pa ren to hanggang ngaun, ang tiyaga mo, pero salamat sa interes.

Ok, so ganon nga bukod sa reasonable na sahod na tinatamasa ng mga empleyado malaking bagay din ang lokasyon, dahil accesible sa lahat, eskwelahan para sa mga nag aaral, hospital para sa mga sakitin, sinehan para sa mahilig manood, mall para sa maraming pera at walang perang adik lang sa hanging malamig at tanawing nakaka uplift, police outpost para sa mga war freak, restaurant at bar para sa mga gimikero, motel para sa mga ma el. hahaha. mga bata takpan ang mata.

Napamahal na sa ken ang gawaing ito, at higit sa lahat ang mga kasama ko dito. Gusto kong gamitin ang space na ito upang batiin ang mga individual na nagpadali ng buhay ko, nagpagaan ng loob ko, nag inspire upang pagbutihin ko pa, nag motivate na pagbutihin ko pa, namilit sa ken para pumasok, nagturo sa ken ng mga pamamaraan, nagpanggap na bilib sa ken, humanga sa angkin kong katalinuhan, naniwala sa kakayahan ko, mga bumili sa lahat ng mga patawa ko, mga inutangan ko, mga nagtakip sa mga kagaguhan ko, mga walang takot na nag log in sa ken, mga nag adjust ng schedule ko, mga steady na nagpadali ng QM load ko, nag regalo may okasyon man o wala, mga nanlibre ng pagkain, alak at pamasahe, nag bigay ng mp3, nagpahiram ng vcd,dvd, cd, magazines at lighter, mga bumili ng kung ano anong binenta ko, nagbigay ng gulay, mga tumulong upang makatulog ako, mga nag share ng templates sa excel, nagbigay ng aso at tips sa pag aalaga ng hayop, mga dumamay at nagpasaya tuwing malungkot at depressed ako, mga nag regalo sa anak ko, mga pinagpaalaman kong aabsent ako, salamat sa pagbabasa mo, biruin mo umabot ka hanggang dito. RAk! Lahat ng mga taong yan, d ko na mababanggit pangalan baka may makalimutan akow ayoko pa na man sa lahat e ang makasakit ng damdamin, kung binasa mo at tinamaan ka, ok ka, salamat! Dumami pa sana ang mga taong katulad nyo. Mabuhay kayong lahat. Yung mga gumagawa ng mga bagay na nakasaad sa itaas, kahit d mo ginawa para sa ken, ipagpatuloy mo yan \m/. inaantok na ako. Ongapala salamat din sa mga nagbigay ng yosi, kahit masama sa katawan yon.

D ko alam kung paano ibabalik ang pabor, ang kaya ko lang gawin sa ngaun ay wag kalimutan ang lahat ng yan.

Masyadong mahaba na ang blog na ito. Bukas naman siguro.

Enhanced by Zemanta

2 responses to “Simula

  • cubemonster

    mabuhay ka Ka Jerome. mabuhay ka. nawa’y sa pagbubulay bulay ko ng mga bagay bagay ay magkita muli tayo sa bagong simula na yong tinatamasa.

    Nagmamahal,

    ang isa sa iyong mga tagabalasik.

  • Anonymous

    Sa ating paglalakbay na eka nga kun tawagin nating buhay, tayong lahat ay merong mga ginawa, dinisiyunan o pinili naway ating pinag sisisihan. Isa sa mga disisyun na ni minsan di ko naisip isipin o pagsisihan ay ang maging kaibigan mo. Sa pinanggalingan natin, wag na tayong mag sisi pag lumingon man tayo, sa kinaroroonan natin ngayon wag na tayo mag dalawang isip kung ano man gagawin natin, sa pupuntahan natin wag na nating hangarin pang maging paraiso man o ginhawa. Kung may isang bagay na kakahangahanga sa tao ito ay ang kakyahan nyang di lumimot ng kaibigan. Kung kaya mong maging napagaling sa panahong pinakamalubha sa buhay mo kaya mong tawiran ang kahit anong ibato sayo sa paglalakbay na ito.

    Iyong Kaibigan,
    Ennayr Aludiugin

    P.S.
    Ang baho pala pakingan ng pangalan ko, paksyet!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: